Pages

Sunday, March 20, 2011

Emperor's Siomai Food Cart Patok Ba?

Todo Sa Sarap Ang Emperor's Siomai!



Siomai, yan ang isa sa mga paborito kong merienda, tiyak ko paborito mo rin yan. Lalo na't kung may masarap na sawsawan. Ang sarap! Kulang ang tatlong siomai, hindi kasi nakakasawa ang lasa. Kung minsan pa  nga ay inuulam ko pa sa kanin. Try mo yan. Marami na akong natikmang siomai pero isa sa mga food cart na nagbebenta nito ng mura, masarap at malinis ay ang Emperor's Siomai. Talagang dinudumog ito saan mo man ipuwesto dahil 'yung lasa ng siomai nila talagang hit sa panlasa ng masa. Iyan ang isa sa mga rason kung bakit an Emperor's Siomai ay naging patok na food cart negosyo sa Pinas. Kaya naman kung may balak kang mag franchise ng food cart, ito ang subukan mo't sa tamang paraan ng pagbebenta, ganda ng lokasyon ay tiyak na kikita ka dito.

Tatak Emperor's Siomai



Hindi tulad ng ibang siomai food cart negosyo, napakamura lang ng kapital para sa Emperor's Siomai. Sa halagang 26,888 ito ang makukuha mo:
  • 1 collapsible food cart na may tatak Emperor's Siomai
  • Isang electric streamer
  • Isang cooking utensil
  • Isang set ng uniform para sa iyong tagabenta
  • at may initial food product na kasama na
Mga Produkto ng Emperor's Siomai

  • Pork, Sharksfin, at Shrimp Siomai
  • Quail egg siomai
  • Ham Siomai
  • Chili Crab Siomai
  • Kani Crab Siomai
  • Pork Mushroom Siomai
Bukod pa riyan, libre ang accidental insurance galing sa Sunlife at pwede ka na ring magbenta ng eload gamit ang serbisyo ng Load Central. 

Maganda pa, libre rin ang mga training at seminar na tiyak makakatulong sa iyo para mapa-unlad mo ang negosyo mong food cart. Kung interesado kang mag-avail ng food cart na ito ay maaari kitang matulungan. Boy Ahente at your service ;)

1 comments:

  1. Boy Ahente, may site assistance po ba yan o kailangan muna namin maghanap ng pwesto bago kami maka avail ng franchise?

    ReplyDelete