Pages

Monday, March 21, 2011

Burgeroo Food Cart Franchise Sikat

Abot Kaya Ng Bulsa Burgeroo Na Pang Masa

burgeroo food cart sa cavite? contact me 09325242754
Sino ba namang tipikal na pinoy ang hindi mahilig kumain ng burger? Kaya naman kung susubok ka nang food cart business, isa sa mga magandang simulan ang burger food cart. Abot kaya na nang bulsa, pang masa pa ang lasa. At isa sa mga kilalang food cart business ngayon ang Burgeroo. Siguro naitanong mo, kaya ba kangaroo ang logo ng burgeroo ay dahil kangaroo patty ito? Hindi po, ito ay dahil kapag natikman mo ito,mapapatalon ka sa sarap! Hehe!



Magkano naman ang franchise fee? 26,888 pesos! Kayang-kaya yan ng bulsa kung seryoso ka na magsimula ng part-time kita sa negosyo. Bakit kailangan mong mag franchise ng halagang 100k na mini food cart sa iba kung may 20k naman pala na higit pa ang kalidad ng produkto at ang sarap pa.

Walang royalty fees, walang hidden charges, walang quota. Tiyak yun. May kasama pang accidental insurance galing sa Sunlife at magiging dealer ka na rin ng eload galing naman sa Load Central.

Ano-ano na ang kasama sa kapital mong ito? Isang collapsible cart (sukat 3′ x 2′ x 6′) na may signage syempre pa ng Burgeroo, isang burger griller, isang cooking utensil, isang set ng uniporme para sa iyong tauhan, at may inisyal ng produkto. Available po ang food cart nationwide.


Anong mayroon sa Burgeroo at gustong gusto ito ng mga Pilipino? Mayroon pong buy one take one burger, cheeseburger, texan burger with meat sauce and grated cheese, california burgeroo ( burger na may itlog), double patty burger, ham and cheese burger, ham and egg, at giant burgeroo.

O san ka pa? Burger food cart ba kamo? Burgeroo Na Tayo, ang franchise food cart ng bayan.

0 comments:

Post a Comment